Malaki na nga ang iniunlad ng pakikibakang antidiktadura sa pagpasok ng dekada 1980. Pati na ang pampulitika at pang-ekonomiyang kabuhayan ay tila nagbabadya ng di magandang hinaharap space-reflection symmetry sa rehimeng batas militar. Mula pa huling dekada ng 1970, tinutulak na ng gobyernong Estados Unidos sa ilalim ng administrasyong Carter ang rehimen tungo sa normalisasyon tungo sa pagbabalik ng mga pormal na institusyon ng demokrasya. Kasama sa proseso ng normalisasyon ang ginanap na eleksyon para sa interim Batasang Pambansa noong 1978, ang pormal na pag-aalis ng batas militar noong Enero 1981 at ang pagdaraos ng eleksyong presidensyal noong Hunyo 1981. Lahat nang ito, gayunman, ay ginawa ayon sa mga kundisyong itinakda ni Presidente Marcos. Nagsimula na ring tumindi ang krisis pang-ekonomiya na ipinamalas at pinalubha pa ng pagtakas ng isang negosyanteng di makabayad ng utang sa mga bangko. Umabot ang utang sa daang milyong piso na kinasangkutan ng may 80 kumpanya at bangko. Di biro ang epekto nito sa negosyo sa bansa. Maging ang malalaking negosyanteng sumuporta sa rehimen sa simula ay nagpamalas ng pagkabahala sa lumulubhang krisis. Gayon na lamang ang tindi ng suliraning pangkabuhayan kung kaya pumailalim ang gobyerno sa programang istruktural ng IMF na lalo lamang nagpahigpit sa pagkasakal ng huli sa bansa.
Samantala, bagaman may paghupa sa armadong pakikibaka ng MNLF, bigla namang sumigla iyong sa CPP sa ibat ibang dako ng bansa laluna sa Samar at Mindanao. Bukod sa lumaganap ang mga kilos-protesta ng mamamayan higit pa itong naging koordinado kung kaya nakapaglunsad din ng mga pambansang aksyon kabilang ang mga unang mga welgang bayan sa! Davao, Negros at Bataan noong 1984. Anupat sa lahat ng larangan, nalagay sa alanganin ang katayuan ng rehimen. Tatalakayin sa bahaging ito ang mga kagyat na pangyayaring nagbunga ng pagbagsak ng rehimeng batas militar simula sa pagpatay kay Sen. Benigno Aquino Jr. noong 1983, sa pagdaraos ng eleksyong snap noong 1986 at...If you want to get a full essay, order it on our website: BestEssayCheap.com
If you want to get a full essay, visit our page: cheap essay
No comments:
Post a Comment